Hugot Line Sa Tag-Ulan


Narito na naman tayo, hindi na nagbago. Panahon na naman ng tag-ulan at kabi-kabila ang bagyo sa Pinas. Pero kasabay ng matinding ulan at malakas na hangin ang matinding hugot ng mga damdamin.

Kaya heto na ang ilan sa mga hugot line ngayong tag-ulan:


1. Hindi dahil nag-payong ka, hindi ka na mababasa ng ulan. Parang sa love, hindi dahil mahal ka niya, hindi ka niya sasaktan.



2. Minsan kailangan mo ng tao na ituturing ka na tahanan at hindi waiting shed na iiwan ka pag tumila na ang ulan.



3. Ang ulan parang relationship niyo, hindi nagtatagal, lilisan din.



4. Buti pa yung announcement na walang pasok official na. Eh tayo? Landian pa rin ba?



5. Ganyan naman ang bagyo ehh sasaktan ka muna bago ka iwan



6. Sana yung feelings ko sayo parang bagyo, pagtapos mawala sana di na bumalik.



7. Yung pag-ibig natin parang ulan. Hindi natin alam kung kalian matatapos.



8. Ang love ko sayo parang bagyo. Mararamdaman mo pero di mo mapipigilan.



9. Ang lakas ng ulan pero yung reply mo sakin ambon ambon lang.



10. Yung break-up natin paran ulan…biglaan!


 

And the winner is…






























Keep safe, guys! :)





Share this:

, ,

CONVERSATION

0 comments:

Post a Comment

Thanks for dropping by!